The Official Housemates















Leave A Shout


Disclaimer

    This blog claims no credit for any images featured on this site unless it is being acknowledged. Any multi-media contents and visuals are copyrighted to it's rightful owners. The blog is not responsible for the contents of any external links featured as we do not have any control to it. Information on this blogsite may contain errors or inaccuracies in which could be the details or typo errors. We do not make warranty as to the correctness or reliability of the site's content. Anything you may have concern with the posts that you may wanted to be removed for a reasonable explaination will be promptly entertained.

www.e-referrer.com

10 April 2008 - 13:53 Brag about your PBB idol!



Who among us have had pictures with the Pinoy Big Brother Teen Edition Housemates? I’m sure you had one when they were still not known as housemates sa bahay ni kuya. Share those pictures with us. You may also include pictures of those ex-housemates ni kuya of the previous Pinoy Big Brother seasons.

Brag them now!

Related Posts :


No Comments | Tags: Alex Anselmuccio, Arnann Jay Clenuar - Nan, Brags, Christine Marie Gonzalez - Beauty, Ejay Falcon, Elyzar Paguia - Jolas, Housemates, Jieriel Papa, Kevin Flood, Linda Backlund, Marc Josef Elizalde, Nicole Uysiuseng, Plus, Priscilla Mae Navidad, Robert Marion Domingo - Robi, Rona Marie Libby, Valerie Weignmann

1 April 2008 - 6:19 Robi and Rona on a Debate


Si Robi Domingo at Rona Libby ay nag kamit ng Academic Excellence Award sa graduation nila. Naisipan tuloy ni kuya na hamunin ang dalawa upang mag debate. Si Robi ay papanig sa mga boys at si Rona naman sa mga girls. Ang topic nila ay kung sino ang higit na matalino, ang boys o ang girls ba.

Sino sa tingin ninyo ang matalinong tunay, boys nga kaya o ang mga girls?

Related Posts :


16 Comments | Tags: Robert Marion Domingo - Robi, Rona Marie Libby

31 March 2008 - 5:50 Graduation Rites and Party sa bahay ni kuya


Pinagbihis ni kuya ang mga housemates in formal attire. Hindi pa nila alam kung bakit. Tinawag na ni kuya na naka toga ang tatlo - sina Rona, Robi at Jieriel. Sila ang mga graduates na hindi nakarating sa kanilang graduation rites dahil sila ay nasa loob ng Pinoy Big Brother House.

Sa activity area ginawa ang graduation ng tatlo. Bisita nila ang parents ng tatlo (though, alam natin na ang mga parents/guardian nila ay nasa loob na ng bahay) at mga school officials nila. Para kay Jieriel, dumating ang Principal nila na si Mrs. Elnora Raganit. Para kay Rona, ang Principal rin ang dumating na si Dr. Orlando Cadano. At para naman kay Robi, dumating ang class moderator na si Mr. Ronald Capinding at sinamahan pa ng Jesuit brother, Bro. Jomari Manzano. Silang tatlo ay nakakuha ng special awards at bidang bida pa sila sa mga schools nila ayon sa mga principal. Ang host na si Bianca at si Mikee Lee (ex-PPB teen) ay guest din nila.

Mala fiesta naman ang handa nila sa pag balik sa loob ng bahay galing sa activity area ng graduation rites. Ang galing talaga, medyu mabait yata si Kuya kahit hindi nila na lampasan ang task na maka-quota sa paggawa ng notebooks.

Related Posts :


No Comments | Tags: Jieriel Papa, Robert Marion Domingo - Robi, Rona Marie Libby

30 March 2008 - 6:24 The Notebook


Ang mga housemates ay gumagawa ng mga spiral notebooks para ipamamahagi sa mga mag-aaral na nangangailangan sa susunod na pasukan. Si Ejay at Linda ang nagbibilang ng mga papel. Habang gumagawa sila ay siya namang music ng graduation march na kanta para pangpagana.

Si Robi, Jolas, Jieriel at Rona nasa girls room naman habang ang iba ang nasa boys room gumagawa ng task. Todong-todo ang practice ng apat sa “Kabataang Pinoy” (theme song ng PBB Teen Edition) dahil hindi sila kasali sa task na ginagawa sa kabilang room.

Sa hindi naman inaasahan ay napunta ang usapan sa love life, anniversary at fling habang gumawa ng notebook. At na carry over yata si Jolas at Robi na naka suot ng damit pambabae. Ipinaalala ni Rona na nakikita sila 24/7 sabay tanong na ano kaya ang sasabihin ng Mommy ni Robi kung makita niyang naka damit-pambabae ang uniko hijo? Lol.

Related Posts :


1 Comment | Tags: Alex Anselmuccio, Arnann Jay Clenuar - Nan, Christine Marie Gonzalez - Beauty, Ejay Falcon, Elyzar Paguia - Jolas, Jieriel Papa, Kevin Flood, Linda Backlund, Marc Josef Elizalde, Nicole Uysiuseng, Priscilla Mae Navidad, Robert Marion Domingo - Robi, Rona Marie Libby, Valerie Weignmann